No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Opisyal ng DOLE: Paghandaan ang pag-aplay ng trabaho sa job fair

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato (PIA) -- Dapat handa ang isang aplikante, bago pumunta sa isang job fair upang mas mataas ang kanyang tsansa na matatanggap sa trabaho, pahayag ng isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) 12. 

Sa pulong balitaan kamakailan, ilang payo na makakatulong sa mga aplikante na umangat ang posibilidad na matanggap sa inaaplayan na trabaho na handog ng mga aktibidad katulad ng 2023 Labor Day Job Fair sa Kidapawan City, sa Mayo 1 ang inilatag ni DOLE 12 Assistant Regional Director Arlene Bisnon. 

Una, ayon kay ARD Bisnon, mahalagang makapag-pre-register na ang aplikante at alam kung anu-ano ang mga bakanteng trabaho. 

"Sa Facebook [page] ng DOLE, naka-post na doon kung ano 'yong mga job vacancies. So, nakikita natin kung saan tayo fit," ani ARD Bisnon. 

Sa ganitong paraan, ayon sa opisyal, maibabagay ng aplikante ang kanyang kakayahan sa bukas na mga posisyon at makakapili na kung saang mga kompanya maaring pumunta. 

Ikalawa, mahalaga ring maghanda ng mga kakailanganing dokumento tulad ng application letter, resumé, diploma, transcript of records, training certificates,  certificates of employment, at iba pa. 

Mas mainam na magdala ng  ilang set ng naka-photocopy na mga credentials, dagdag pa ng opisyal. 

Pinaalalahanan din ni Bisnon ang mga aplikante na magsuot ng business attire. Hindi rin kailangan mag-English kung mahihirapan.  

Ngayong taon, gagawin ang regional Labor Day job fair sa Kidapawan City, na ayon kay Bisnon, ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga taga-North Cotabato at karatig na mga lugar na maaring mahihirapang makapunta kung sa Koronadal City o General Santos City gaganapin ang job fair. 

Nitong Lunes, ayon sa opisyal, mayroon nang mahigit 2,700 katao ang nakapagpa-pre-register para sa taunang job market, samantalang, nasa mahigit 1,200 namang bakanteng trabaho para sa Labor Day jobs fair.  

Inaasahang dadami ang mga nabanggit na bilang habang papalapit ang aktibidad dahil nagpapatuloy pa ang registration ng mga aplikante at mga kompanyang lalahok.  (PIA SOCCSKSARGEN) 

About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch