No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Masaganang CocoBuhayan para sa magsasaka ng ZamboSur

PAGADIAN CITY, 02 Agosto (PIA) - Nasa 221 na magsasaka ng niyog sa ilang lungsod ng probinsya ng Zamboanga del Sur ang pormal na nakapagtapos sa kanilang apat na buwang season-long School-on-the-Air (SOA) coconut production, Masaganang CocoBuhayan: Radyo Skwela sa Paniyugan noong Agosto 1, 2023.

Ang SOA coconut production ay isa sa mga bahagi ng programa sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), na nilikha sa pamamagitan ng Republic Act 11524 o kilala bilang Coconut Farmers Industry and Trust Fund (CFITF) Act of 2021 na nilagdaan bilang batas ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Ang Department of Agriculture, sa pamamagitan ng Philippine Coconut Authority (PCA)-9, ang nangunguna sa pagpapatupad ng nasabing programa sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan. Ang pagsulong ng kahirapan at pagpapataas ng produksyon at kita ng mga magsasaka ng niyog ang ilan sa mga pangunahing layunin ng naturang programa.

Ang Agricultural Training Institute (ATI)-9 na nagsisilbing capacity builder ng programa ang siyang nagsasagawa ng serye ng mga radio episodes na may kaugnayan sa iba’t ibang pamamaraan ng pagtatanim at pag pagpapahusay ng coconut farming. Kabilang din dito ang pagbibigay ng mga impormasyon sa mga makabagong teknolohiya na maaring gamitin upang mapalago ang pagsasaka ng niyog.

Isa sa mga nagtapos ay si Ginang Virginia Lantid mula sa lungsod ng Lapuyan ang nagpahayag ng kanyang malaking pasasalamat sa programang SOA.

“Kini nga SOA usa kini nga pribilihiyo nga gigahin kanato nga mga mag uuma, kay tungod niini natapok tibook Zamboanga del Sur, nagkahiusa ta dugang sa kahibalo kay daghang mag uuma nga edaran na ang gagamit gihapon sa tradisyonal nga pamaagi,” aniya.

(Ang SOA ay isang pribilehiyong inilaan sa ating mga magsasaka, dahil dito, tayo sa probinsya ng Zamboanga del Sur ay nagtipon at nagkaisa para sa marami pang kaalaman sapagkat marami pang mga magsasaka ang gumagamit ng tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka ng niyog.)

Ibinahagi din ni Mary Cris Catiil mula sa lungsod ng Tigbao and kanyang mga natamong kaalaman kabilang na ang makabagong teknik ng pagsasaka ng niyog at ang mga bagong teknolohiya sa pagkontrol ng mga peste sa kanilang pananim.

“Para naku nadungagan, isip coconut farmer ang mga kahibalo sa pagmanage ug monitor sa mga lubi dili lang ta mag monitor sa pagharvest na kundili ato pa diay siya e-monitor sama sa mga dangan nga mudapo sa atong mga lubi” aniya.

(Para sa akin, bilang isang magsasaka ng niyog, lubos na nadagdagan ang aking kaalaman sa pagsasaka at pag momonitor ng aking mga pananim hindi lamang sa pag aani, gayundin sa pag momonitor ng mga peste at sakit na dumadapo sa ating mga niyog.)

Bilang tugon sa mga mensahe ng mga nagsipagtapos, ipinaabot ni Ginoong Danilo Bendanillo, Acting Project Development Officer IV ng PCA-9 ang kanyang taos pusong pagbati sa lahat.

“Akong ipaniguro kaninyo nga ang PCA wala gayud niundang ug pangita ug mga pamaagi para matubag ang inyong mga panginahanglan (Tinitiyak ko sa inyo na ang PCA ay hindi tumitigil sa paghahanap ng mga paraan upang matugunan ang inyung pangangailangan),” tugon niya. (RVC/SBM/PIA9-Zamboanga del Sur)

About the Author

Harvy Bangayan

Information Officer

Region 9

Harvy T. Bangayan earned his Bachelor's degree in Computer Science at the Western Mindanao State University (WMSU) and is now pursuing his Master's degree in Public Administration at the same institution. A music lover, he now writes news in Zamboanga del Sur and manages the PIA Zamboanga del Sur Facebook page.

Feedback / Comment

Get in touch