No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Produksyon ng dekalidad na muscovado sugar, isinusulong sa Carmen

Photo: Department of Agrarian Reform-Cotabato Province

CARMEN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Isinusulong ngayon sa bayan ng Carmen ang produksyon ng dekalidad na muscovado sugar hindi lamang upang masuportahan ang mga magsasaka kundi upang mapalakas pa ang sektor ng agrikultura sa kabuuan.

Kaugnay nito, kamakailan ay itinurn-over ng Department of Agrarian Reform sa Kibudtungan Sugar Farmers Association o KSFA sa Barangay Kibudtungan ang enhanced processing center para sa muscovado sugar.

Ang proyekto na pinaglaanan ng pondong P350,000 ay ipinatupad sa ilalim ng Village Level Farm-focused Enterprise Development Project.


Photo: Department of Agrarian Reform-Cotabato Province

Ayon kay Evangeline Bueno, provincial agrarian reform program officer II, layon din ng proyekto na masiguro ang maayos na kita ng benepisyaryong organisasyon at mabigyan sila ng oportunidad para sa mas malawakang bentahan sa merkado.

Dagdag pa dito, ang pagpapabuti sa working environment ng organisasyon alinsunod sa pamantayan ng Food and Drugs Administration.

Nabatid na una nang naging benepisyaryo ang KSFA ng mga tulong mula sa DAR. Kabilang dito ang sugarcane juicer, tractor, at iba pang processing equipment.

Nagpasalamat naman sa DAR si Willy Ampalid, presidente ng KSFA, sa tulong ng ahensya sa kanilang asosasyon.  Aniya, malaking tulong ang proyekto ng DAR upang maipagpatuloy ng asosasyon ang kanilang operasyon at gawin pa itong mas kapaki-pakinabang. (With reports from DAR-Cotabato)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch