No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PWD, Senior Citizens at COVID-19 survivors nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa ZC Gov’t

ZAMBOANGA CITY, Aug 4 (PIA) - Inilunsad ng Lungsod ng Zamboanga ang tulong pinansyal para sa mga Senior Citizens at COVID-19 survivors bilang bahagi ng City Local Amelioration Program (SAP) at para sa Persons with Disability (PWD) na bahagi rin ng programang Assistance in Crisis Situation (AICS).

Ang Lungsod ng Zamboanga City ay sabay-sabay na nagsagawa ng mga aktibidad sa pagbigay ng karagdagang tulong sa iba't ibang sector mula Hulyo 21 hanggang Hulyo 28.

Pinangunahan ni Alkalde John Dalipe kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at mga paymasters mula sa City Treasurer's Office ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa libu-libong COVID-19 survivors sa iba't ibang barangay sa lungsod.

Ang cash incentive ay bahagi ng SAP na pinasimulan ni Mayor John Dalipe upang makatulong sa mga nagkaroon ng COVID-19 noong buwan ng Enero at Setyembre 2022.

Ang mga COVID-19 survivors na nakaranas ng banayad hanggang katamtamang sintomas ay nabigyan ng Php3,000 at sa mga nakaranas naman ng malubhang sintomas ay nakatanggap ng Php5,000 bawat isa. Ito ay bahagi pa rin sa Local SAP ng lungsod na itinatag noong kasagsagan ng pandemya.

Mayor John Dalipe leads the distribution of cash assistance to senior citizens, (Photo courtesy of Zamboanga City PIO)

Inilunsad ang unang payout sa Barangay Labuan noong Hulyo 20 at sa iba pang barangay sa ilalim ng CSWDO-Field Office 1 na kinabibilangan ng mga Barangay Limpapa, La paz, Tulungatung, Sinubong, Pamucutan, Baluno at Cawit. Sumunod na rin ang ibang barangays na humigit-kumulang ay nasa 67 barangays sa nasabing payout hanggang Hulyo 28.

Higit pa rito, ang P1,000.00 kada quarter na cash incentive ay sumasaklaw sa lahat ng indibidwal na may edad 60 pataas anuman ang estado ng trabaho, membership sa organisasyon at kung tumatanggap man o hindi ng mga pensiyon at iba pang anyo ng sahod.

“Our senior citizens really have a special place in the heart of Mayor Dalipe, thus he wants these financial assistance released to them the soonest time possible,” CSWDO head Ma. Socorro Rojas said.

Kasabay ng mga tulong na ito ay ang payout para sa daan-daang PWDs na nakatanggap naman ng Php3,000 sa ilalim ng AICS program. Ito ang paraan ng pamahalaan sa pagkilala sa karunungan at kontribusyon ng mga senior citizen at sektor ng PWD sa lungsod.

Patuloy ang lokal na pamahalaan at si Alkalde Dalipe sa layon nitong makatulong sa lahat ng mga nangangailan ng karagdagang tulong pinansyal lalo na sa mga vulnerable sectors ng lipunan. (R%VC/MLE/JQB-GIP/PIA9-Zamboanga City)

About the Author

Myra Cel Espinosa

Information Officer III

Region 9

Myra Espinosa is an Information Officer of the Philippine Information Agency Region IX.  She writes news and feature stories for the agency's website and social media platforms. She is currently the program host of Kapihan na Zamboanga Public Briefing, as well as a news contributor for PTV News. She holds a Masters Degree in Public Administration Major in Organization and Management from Western Mindanao State University.

Feedback / Comment

Get in touch