ZAMBOANGA CITY, Aug. 9 (PIA) – Patuloy na tinutukan ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang mga prayoridad na proyekto tulad ng drainage system at road construction and widening sa lungsod.
Ang mga proyektong ito ay nakikitang makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya, kaligtasan ng mga residente at maibsan ang daloy ng trapiko sa lungsod.
Naging prayoridad ng lungsod ang drainage system dahil sa naranasang insidente ng matinding pagbaha noong Oktubre ng nakaraang taon. Ang lungsod ng Zamboanga ang pinaka-apektadong lugar dahil sa bagyong ‘Paeng’ na nag sanhi ng matinding pinsala sa ilang mga barangays.
Ngayong taong 2023, pinaghandaan na ng gobyerno at upang maging mas alisto. Ayon sa City Engineers Office (CEO), priyoridad nila ang paggawa ng flood control project at drainage system na kailangang malinis na isang solusyon upang maiwasan ang pagbaha. Kasama rin sa proyekto ang desolation and dredging o ang paglinis ng ilog na kailangang linisin upang maiwasanl ang pagbaha.
"It is part of climate change, that we cannot stop but then we will always take it as a lesson for us to improve other things especially our infrastructures,” said Engr. Dian Jane De Guzman, from Zamboanga CEO.


Isa rin sa mga tinutukang proyekto na mapadali ay ang mga paggawa ng daan. Ang pamahalaan ay nakatanggap ng mga reklamo mula sa mga residente at motorista dahil sa matinding trapiko kaya’t inaasahang mapabilis ito upang maibsan na ang daloy ng trapiko sa daan. Ang local na pamahalaan ay nakikipagtulungan naman sa mga National Government Agencies upang mapadali ang mga proyekto.
Kabilang na sa administrasyong Dalipe and inaabangang proyekto sa paglipat ng bagong Zamboanga International Airport na kasalukuyan ay nagkakaroon na rin ng inisyal na mga plano.
Ang lahat ng proyekto na sinasagawa ng gobyerno ay para sa kabutihan ng lahat mas mapapaulad ang lungsod at mas handa sa anong mang kalamidad na darating. (NBE/MLE/JQB-GIP/PIA9-Zamboanga City)