No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

OPAPRU, nanawagan sa mga MILF combatant na patuloy na suportahan ang normalization program

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Nanawagan ang Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity sa mga MILF combatant lalo na sa mga hindi pa sumailalim sa decommissioning process na patuloy na suportahan ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan may kaugnayan sa pagpapatupad ng normalization program.

Sa PIA Talakayang Dose radio program ng Philippine Information Agency XII kamakailan, sinabi ni Undersecretary Cesar Yano, chairperson ng Government of the Philippines Peace Implementing Panel for the GPH-MILF Peace Accord, na mahalaga ang pakikipagtulungan ng bawat isa upang maisakatuparan ang programa at patuloy na maisulong ang kapayapaan sa Mindanao lalo na sa Bangsamoro region.

Nanawagan din si Usec. Yano sa mga MILF combatant na huwag mawalan ng pag-asa dahil ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maihatid ang mga naipangakong tulong.  Dagdag pa niya, tapat ang pamahalaan sa pagsisigurong maibibigay ang nararapat na ayuda sa ilalim ng normalization program.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang opsiyal sa mga katuwang na ahensya sa pagtulong hindi lamang sa mga combatant kundi maging sa mga komunidad ng mga ito.

Ipinaliwanag ng opisyal na maliban sa pag-decommission sa mga MILF combatant, mayroon ding MILF camp transformation upang matulungan ang mismong komunidad.

Samanatala, nitong buwan lamang ay isinagawa ang ikatlong yugto ng decommissioning na nilahukan ng higit 1,000 MILF combatant.

Ayon kay Usec. Yano, sa panahong maibigay na ang mga tulong para sa mga naunang na-decommission, paghahandaan naman ang ikaapat o huling yugto ng decommissioning. (SJDM -- PIA Region 12)



About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch