Photos

Tagalog Photos: Mahigit 2k Taal first responder, evacuee, binakunahan kontra COVID-19

Tagalog Photos: Mahigit 2k Taal first responder, evacuee, binakunahan kontra COVID-19

TINGNAN | Hindi bababa sa 2,000 first responder, evacuee at residente ng mga bayan na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal ang binakunahan kontra COVID-19 noong Hulyo 16.

Personal na sinaksihan ng mga miyembro ng National Task Force Against COVID-19, sa pangunguna nina Deputy Chief Implementer, Secretary Vivencio Dizon at Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang pagbabakuna sa mga kawani ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at iba pang kaugnay na ahensya sa buong lalawigan.

Ayon kay Department of Health Center of Health Development Region IV-A OIC Director, Paula Paz Sydiongco, naglaan ang pamahalaan ng nasa 10,000 COVID-19 vaccine upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa mga evacuation site sa lalawigan. |(STT, PB) 

About the Author

Patricia Bermudez

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch