Photos

PIA Puppet Theater umarangkada sa Palawan

PIA Puppet Theater umarangkada sa Palawan

Galak at tuwa ang naramdaman ng mga mag-aaral ng Magara Elementary School at New Barbacan Elementary School sa Munisipalidad ng Roxas, Palawan matapos na mag-tanghal ang Puppet Theater ng Philippine Information Agency o PIA PT kahapon, araw ng Miyerkules Hunyo 14 sa nasabing paaralan.

Ito ay bilang pakikiisa ng ahensiya sa mga programa ng Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) at pagtalima sa National Dengue Awareness Month.

"Dengue" ang titulong itinanghal ng PIA Puppet Theater sa nabanggit na paaralan upang mabigyan ng kamalayan ang mga mag-aaral sa mga maaring epekto ng sakit na ito sa isang tao.

Ang Puppet Theater ay isa lamang sa mga paraan ng komunikasyon ng Philippine Information Agency upang maipaabot ang mga impormasiyon sa mamayang Pilipino.

Sa ngayon, ang grupo ng PIA Theater ay nasa Taytay para sa panibagong pagtatanghal at abangan din bukas dahil mapapanood sila sa Puerto Princesa City.

Kita Kits!

Photos: Ramil Maningas – PIA CPSD

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch