Maraming, maraming… [Please take your seats.]
Babatiin ko ang ating mga opisyal dito. Ang congressman, ang governor Villafuerte. Para pa lang Ilocos Norte ito pare-pareho pangalan ng mga opisyal.
Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako’y natutuwa na makabalik na dito sa Pili at para magbukas ng ating Kadiwa ng Pangulo.
Alam niyo po simple lang po ang sistema na ginagawa namin dito sa Kadiwa para maibaba ang presyo ng mga bilihin. At ‘yung kagaya ng ating sinasabi galing sa farm ‘yung pinagbili, galing sa magsasaka ay marami pang pinagdadaanan kung minsan. Bawat – ‘pag ‘yung trucking babayaran, ‘yung handling babayaran, may mga cost. Kaya’t pagdating na sa mga namimili ay tumataas na ‘yung presyo.
At lalo na ngayon na tumaas ang gasolina, tumaas ang lahat ng mga iba’t ibang bagay, nagdadagdag sa presyo ng bilihin. Kaya’t ang aming ginawa ay ang gobyerno na ang magdadala mula sa magsasaka hanggang sa Kadiwa. At lahat ng mga kailangang bayaran mula doon sa farm, sa farm gate, hanggang sa pagbenta dito sa mga palengke, sa ating mga Kadiwa ay gobyerno na ang gagawa at gobyerno na ang magbabayad doon sa mga iba’t ibang hidden cost na kung minsan ay lumilitaw kapag tayo’y nagta-transport ng pagkain, ng mga agricultural commodities lalo.
Kaya’t diyan nabuhay ang ating Kadiwa. At nasimulan namin ito – nag-start ito Kadiwa ng Pasko. Ginawa namin para sa Pasko.
Ngunit talagang balak namin mula sa simula ay ipapagpatuloy namin ito kahit na wala ng Pasko. Kaya tuloy-tuloy at pinaparami na natin ang ating mga Kadiwa. Lumagpas na tayo sa limandaang Kadiwa sa buong Pilipinas. Kaya’t marami tayong – maganda ang nagiging resulta.
Makikita ninyo, halimbawa ‘yung bigas, ‘yung aking pangarap na sinabi na noong bago akong upo na sana mapababa natin ang presyo ng bigas ng P20. Hindi pa tayo umaabot doon, dahan-dahan palapit. Nasa P25 na lang tayo. [applause] Kaunti na lang, maibababa natin ‘yan.
Tapos ‘yung ginawa natin, halimbawa doon sa sibuyas, ganoon din para... Biglang nagtaasan lahat eh kulang sa produksyon. Ginawa namin ay dinagdagan namin para bumaba rin ang presyo.
Asukal ganoon din. Umakyat ‘yan ng P100 plus ang bawat isang kilo. Ngayon ay nasa P85 and below na. Kaya’t kagaya nga ng sabi ng ating butihing gobernador ay sabi niya naubos agad. Talagang mauubos agad. Kaya’t maganda naman na kayo’y nandito at nakikita ninyo na may paraan naman para ipababa ang ating presyo.
Bukod sa pagtayo ng palengke, which is ‘yun ang Kadiwa palengke naman talaga ito. Magtatayo ng palengke para maipagbili ng mas mababang presyo ang ating mga agricultural products, ang ating mga finished products, lahat po ‘yan ay binibigyan din natin ng pagkakataon ‘yung mga maliliit na negosyo sa bawat lugar kung saan ‘yung Kadiwa para mayroon silang lugar para ipagbili ang kanilang mga produkto.
Marami tayong nakita roon. Mayroon nagbebenta ng kandila, mayroong gumagawa ng tela, mayroon ‘yung kape, mayroon naka-package na. Lahat, lahat ito ay makikita natin na mabigyan ng pagkakataon.
Kung maalala ninyo madalas namin mapag-usapan noon ‘yung MSMEs, ‘yung micro, small, and medium scale enterprises, ‘yung mga maliliit na negosyo.
At ‘yun ang talaga – ‘yung mga MSMEs ang talagang pinahirapan ng COVID. Marami diyan talagang napilitang magsara. ‘Yung iba talagang hangga’t papaano pinipilit nila na hindi nila bibitawan ‘yung kanilang mga empleyado.
Pero talagang nahirapan ang MSMEs. Kaya’t binalikan naman natin at sabi natin dahil ang MSME, ‘yung mga maliliit na negosyo ay 99.5 percent ng negosyo sa buong Pilipinas ay ‘yung maliliit na ganyan, ‘yung MSMEs.
At 63 percent, almost 65 percent ng ating mga – ng ating employee ay employee ng MSME. Nawalan ng trabaho o hindi nakapagsahod dahil nga wala ng ibibigay ‘yung kanilang mga boss.
Kaya naman ‘yun ang aming tinutukan at binigyan namin ng atensyon ang ating mga MSMEs. Kaya’t ito ang kanilang pagkakataon.
Kaya’t maraming salamat sa inyong lahat na nakilahok. At kasama natin diyan ang Department of Agriculture; kasama natin diyan ang Department of Trade and Industry; nandito rin si sena – ah senator – si Secretary Laguesma ng DOLE; at siyempre nandito ang ating DSWD Secretary, Secretary Rex Gatchalian na busing-busy. Hindi ko nga – hindi ko akalain makakaalis siya sa [Oriental Mindoro] dahil marami siyang ginagawa doon dahil doon sa oil spill. Pero nandito siya para magbigay tulong, magbigay ng suporta dito sa ating programa na ito.
Kaya’t maraming salamat sa inyong lahat. Maraming salamat sa ating mga nakilahok. [applause] Ating mga small businesses na pumunta rito at ‘yung ating mga farmer na nakapagbigay, nag-supply ng ating mga produkto na mabenta naman.
At sana ipapagpatuloy po natin ito. Hindi lamang ganito ito. Pararamihin natin hangga’t maaari para makita naman natin na mayroong pagbabago, mayroong pagpaganda doon sa ating mga ginagawa at para sa ating mga kababayan, sa inyo, na mayroon naman tayong pag-asa na umahon at hindi na tayo dumadaan gaano sa hirap.
Hindi pa tayo tapos sa ekonomiya ng pandemya. Nandiyan pa rin ang aftereffect. Kahit na hindi na tayo masyadong nagsasakit eh ‘yung mga – sa ekonomiya, ang tama sa ekonomiya ay nandiyan pa.
Kaya’t patuloy namin ang suporta sa taong-bayan, ang suporta sa ating mga MSMEs, ang suporta sa lahat ng mga nangangarap at may layunin na magbigay ng magandang produkto para sa ating mga kababayan.
Kaya’t maraming, maraming salamat po. Maraming salamat sa napakainit ninyong pagsalubong. At mabuhay po kayo. Mabuhay ang Kadiwa. [applause]
--- END ---
Watch here: Kadiwa ng Pangulo
Location: Palestina Covered Court, Palestina in Pili, Camarines Sur