Publications

Talumpati ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kadiwa ng Pangulo sa Bataan

  • Published on March 31, 2023
  • |

Talumpati ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kadiwa ng Pangulo sa Bataan

Maraming, maraming salamat sa pagpakilala.


Sa ating mga local leaders, si Governor, si Mayor ng Bayan ng Limay; lahat ng aking mga kaibigan dito. Parang nakikilala ko ‘yung mga boses ninyo ‘yung mga malalakas sumigaw sa rally. [cheers] Kung minsan ‘yung aming mga nagiging pagpunta sa Kadiwa eh parang rally na rin kaya’t mabuti na… [Please sit down.]


Mabuti na rin ‘yung dahil nabibigyan naman ako ng pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng ating mga kasamahan na tiga-lalawigan ng Bataan sa inyong naging napakaganda at napakabigat na suporta at ang ipinakita ninyong kumpiyansa sa ating mga kandidato lalong-lalo na sa akin at kay Inday Sara. Kaya’t maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. [applause]


Kaya naman ay kami ay niluklok ninyo sa itong mga posisyon na ito upang gawin ang maaaring gawin para pagandahin ang buhay ng ating mga kababayan na mga Pilipino.


Kaya po namin naisipan buoin itong programang ito na ‘yung Kadiwa. At ito po ay nagsimula noong panahon pa ng aking ama. At ito ay napakasimple lang ang konsepto nito ang ginagawa natin ay pinag-uusap natin, pinag-uugnay natin ang magsasaka, ‘yung nagsasaka mismo, hanggang sa palengke. At ito ‘yung palengke, ‘yung Kadiwa.


  

Ngayon lahat ng dating binabayaran ng kung ‘di ‘yung magsasaka, kung hindi ‘yung mga nandito sa palengke, ‘yung mga – halimbawa ‘yung pag-transport, ‘yung packaging, lahat ‘yan, ay tinutulungan na ng gobyerno para nga mabawasan ang presyo ng ating mga bilihin.


Alam naman natin sa kasalukuyan ay ‘yan ang pinakamabigat na problemang hinaharap nating lahat at pataas nang pataas ang presyo ng bilihin. At naging problema ito dahil tayo ay naging –umaasa na tayo masyado bago nung pandemya, umaasa na tayo masyado sa importation. Napabayaan natin ang agrikultura at kaya mababa ang ani ng ating mga magsasaka.


Kaya’t dahan-dahan naming inaayos ang agricultural sector dahil napakalawak nito ay dahan-dahan ay nagiging mas maganda naman ‘yung ating tinatawag na value chain para diyan sa ating mga magsasaka. Kaya’t ang dulo niyan ay itong Kadiwa.



At alam niyo po ay nasimulan ito Kadiwa ng Pasko ito noong umpisa, noong nakaraang Pasko. Ngunit naging napakaganda ang reception ng taong-bayan kaya’t sinabi namin itutuloy na namin.


Ngayon naman ay nakikita namin kailangan talaga palawakin pa. At alam ko ‘yung mga Kadiwa ‘pag pinupuntahan ng tao ay lalong-lalo na ‘yung bigas na mura, ‘yung asukal na mura, ‘yung sibuyas na mura, ‘yung iba’t ibang – nauubos agad.


Kaya’t ang kailangan nating gawin talaga pagandahin ang produksyon natin. Hangga’t gumanda ang produksyon natin, mapipilitan talaga tayong mag-import. ‘Pag napilitan naman tayo na mag-import, ayan na tataas na naman ang presyo ng bilihin.


Ngunit siguro ang maaaring gawin at kaya ang ginagawa ng pamahalaan ay paparamihin natin ito. Kaya paparamihin natin ‘yung supply. Iyong nagiging viable na operational na Kadiwa sa kasalukuyan lampas na ng tatlong daan. Pero kulang na kulang pa ‘yun.


Pararamihin natin ito para kahit sa malalayo, sa mga lupalop ay makakaabot ang Kadiwa dahil lahat naman tayo dito sa Pilipinas ay nangangailangan ng tulong dito.


At bukod sa ating pagdala ng mga bilihin na mas naipagbibili ng mura ay nabibigyan din natin ng pagkakataon ang ating mga local na negosyante na gumagawa ng may sariling produkto, may pino-process na nakita natin dito sa mga display ay hindi na ‘yung – basta’t ‘yung hilaw na lang na ube, ‘yung hilaw na lang na patatas, eh lahat ng – ‘yung kape, ‘yung cacao pino-process na dahil ‘yan ang nagpapaganda ng presyo ng ating pinagbibili. At kaya naman binibigyan din natin ng pagkakataon ang mga local businesses.


Kaya’t asahan ninyo kahit sa ngayon ay nagsisimula pa lang tayo ay ini-instruction-an ko na ang Department of Agriculture, ang ating DTI – Department of Trade and Industry, pati na ang DILG para talaga hindi lamang iilan, kung hindi paramihin natin maramdaman ang Kadiwa ng Pangulo sa buong Pilipinas.


Maraming, maraming salamat po. [applause] Magandang umaga po sa inyong lahat. Mabuhay po kayo!


--- END ---

Panoorin: Kadiwa ng Pangulo sa Bataan

Lokasyon: Limay Public Market, Limay, Bataan

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch