Publications

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the distribution of various government assistance in Bulacan

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the distribution of various government assistance in Bulacan

Maraming salamat sa ating butihing Congresswoman, Congresswoman Rida. Pero delikado ka dahil sinabi mo mas maganda akong lalaki sa tatay ko. Mumultuhin ka mamayang gabi. [laughter]


Magandang umaga po sa inyong lahat at sa lahat ng ating mga local officials, lalong-lalo na sa ating mga beneficiary dahil nandito po…


Ang dahilan po kung bakit kami --- ang sadya natin dito ay tinitingnan po… Galing lang po kami sa Kadiwa at tiningnan namin na maging maayos ang pag-supply ng mga bilihin at bilihin na mura para sa ating mga kababayan. 


‘Yan po ay isa sa malaking programa na ginagawa natin upang tulungan ‘yung hamon na hinaharap ng lahat ng ating mga kababayan, lahat ng nagtataasan ng presyo ng lahat ng mga commodity. 


Kaya po ay ‘yan ang ating ginagawa at sana po ito’y nakatulong at kami ay ginagawa namin ang lahat upang paramihin at paramihin ang ating mga Kadiwa, hangga’t umabot na kahit sa mga malalayong lupalop at lahat ng ating mga kababayan ay makaramdam ng kaunting ginhawa dahil nga sa pagbaba ng mga presyo ng bilihin. 


Ngayon naman po, ay kami po ay nandito upang tiyakin na ‘yung mga…


Alam niyo po ‘yung pandemya, ‘yung COVID, masasabi natin siguro malaki na naibawas.


At ‘yung pang-araw-araw natin hindi na natin kailangan isipin masyado, na magkakasakit. Kailangan pa rin mag-ingat. Ngunit nag-iisip na tayo kung ano ‘yung gagawin pag natapos na itong pandemya, pag natapos na itong emergency status na ating hinaharap sa ngayon.


Kaya po ay kahit papaano, mayroon pa rin po sa ating mga kababayan ang naiwanan sa recovery. Hindi pa nakapag-recover.


At kailangan naman ay tiyakin natin na ang pamahalaan ay ginagawa ang lahat upang tulungan ang ating mga kababayan, upang tulungan ang ating mga maliliit na negosyante, upang tulungan ang lahat ng nangangailangan, na kahit papaano ay talagang naabutan nung ekonomiya ng pandemya, ay nalugi na, nagsara na ‘yung mga kanilang negosyo, walang mahanap na trabaho. 


‘Yan po ang nangyari sa atin. Talagang mabigat ang naging epekto ng pandemya. Hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi sa buong mundo. 


Kaya’t ito ang aming paraan upang ‘yung ating mga nakikita, na hanggang ngayon ay nangangailangan pa rin ng tulong ay tinitiyak namin na ang pamahalaan naman ay nandito upang tulungan kayong lahat, upang tiyakin na kahit papaano mayroon tayong Pantawid, mayroon tayong TUPAD, mayroon tayong AICS, ‘yan po ang aming mga --- pati ilang mga iba’t ibang klaseng emergency funding hangga’t maaari ay kung nangangailangan ay talagang hahanapan at hahanapan namin ng paraan.


Kaya’t sana naman ay ito naman ay hindi na tatagal para gumanda na ang ekonomiya. Maganda naman, dumadami naman ang trabaho. At saka hindi lamang ‘yung pangkaraniwan na trabaho kung hindi ‘yung magagandang trabaho, ‘yung may future naman. ‘Yun ang aming nilalakad.


Ngunit, hangga’t umabot tayo doon, ito po ang ginagawa ng ating pamahalaan upang tulungan ang mga nakikita natin na hanggang ngayon ay nangangailangan pa ng tulong. 


Ginagawa namin ang lahat upang tulungan kayo. Ngunit, bukod pa doon, ginagawa po namin ang lahat upang hindi na kayo mangailangan ng tulong dahil mayroon na kayong pinapatakbo na kaunting hanapbuhay. Mayroon na kayong trabaho na maganda, na napapakain po ninyo ang inyong pamilya, napapag-aral ninyo ang inyong mga anak. ‘Yan po ang aming --- ‘yan ang layunin ng ating pamahalaan. 


Kaya’t ‘yan po ang aming sadya rito. Sana po kung ano man ang dinadala ng pamahalaan ay makapagbigay ng tulong at makapagbigay --- mapagaan man lang ang mga problemang hinaharap ninyong lahat.


Kaya’t mabuti naman ay pinapagpatuloy natin ito. Asahan po ninyo na hangga’t kayo’y nangangailangan ng tulong, ang inyong gobyerno ay nandito at handang tumulong. Hindi kayo namin iiwanan. Hindi kayo namin makakalimutan. Hindi kayo namin titigilan na alalayan hangga’t kayo ay makabangon na.


Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyo. [applause]


--- END ---

WATCH HERE: Distribution of various government assistance

LOCATION: San Jose Del Monte, Bulacan

About the Author

Maria Viktoria Viado

Information Officer

Central Office

Information Officer I

Creative Production Services Division

Philippine Information Agency

Visayas Ave., Diliman, Quezon City 

Feedback / Comment

Get in touch