Publications

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the groundbreaking of the 4PH Project in the City of San Jose Del Monte

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the groundbreaking of the 4PH Project in the City of San Jose Del Monte

Maraming salamat sa ating Kalihim ng Human Settlements and Urban Development, Secretary Jerry Acuzar. [Magsiupo na po tayo.]

Ang miyembro, mga maraming miyembro na kasama natin na galing ng --- mga secretary sa iba’t ibang department ng Gabinete; the San Jose Del Monte Lone District Representative Rida Robes and other honorable members of the House of Representatives. [applause]

Kasama na rin diyan, sinama ko na po ang --- ‘yung talagang hinahanap dito sa mga rally namin, hindi naman talaga ako, ito ‘yung hinahanap nila si Congressman Sandro Marcos [cheers and applause] na bumibisita galing sa Ilocos Norte; ang ating kaibigan Bulacan Governor Dan Fernando [applause]; MayorArth ur Robes; mga beneficiary ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Project; ang ating mga --- kapwa kong kawani sa pamahalaan; ang mga minamahal kong kababayan, isang malugod na pagbati po sa inyong lahat na naririto. [applause]


Lubos po ang aking kasiyahan na makasama kayo ngayon dito sa San Jose Del Monte.


Binabati ko po kayong lahat at ang inyong mga pamilya, mula sa akin at sa aking maybahay at buong pamilya. Sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayan.


Mahalaga ang araw na ito, dahil unang-una sa lahat, ito ay pagkakataon kong makaharap muli sa inyo at makapagpasalamat dahil sa inyong suporta para sa akin at sa pamahalaan.


Pangalawa, at mas matinding dahilan, mamarkahan natin ngayong araw na ito ang pagsibol ng isang pangarap para sa mga mamamayan ng Bulacan.


Sa anim na bayan ng Bulacan, sabay-sabay po nating sinisimulan ang construction ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) project 
ng pamahalaan.


Hindi lang po rito. ‘Yun pong ibang mga binubuksan, anim-anim po lahat ito. ‘Yun pupuntahan natin ngayon araw na ito tatlo. 


Pero ‘yung iba naka-livestream po at nanunuod po sa atin at doon din ay may groundbreaking na pinagsabay-sabay po natin.


Sa pamamagitan po ng proyektong ito, maisasakatuparan [ng] libo-libong Bulakenyo ang pangarap nila na magkaroon ng maayos at abot-kayang bahay na matatawag nilang sariling tahanan.


Ito ay bahagi ng programa ng inyong pamahalaan na 1 milyong bahay sa iba’t ibang dako ng bansa sa bawat taon sa Administrasyong Marcos.


Mamaya, tutungo po kami sa Pulilan at San Rafael para sa pagbubukas din ng construction ng 4PH projects doon naman sa kanilang lugar.


Dito naman sa lugar na ito, magkakaroon ng siyam na gusali na may kabuuang bilang na 1,890 housing units. 


Bukod sa pabahay, ang proyektong ito ay magpapalawig pa at madaragdagan balang-araw ang mga kaugnay na pasilidad, tulad po ng edukasyon, pangkalusugan, at iba pa. Hindi na magtatagal, ang proyektong ito ay magiging isang tunay, kumpleto, at masiglang komunidad. [applause]


Nawa’y ang araw na ito ay magsilbing inspirasyon --- magsilbi itong inspirasyon at hamon sa mga nagsusumikap na maitaguyod ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya, at magkaroon ng mas maginhawa na buhay. 


Ang proyektong ito ay isa sa mga mahahalagang programa na [pinagtutuunan] natin ng pansin, dahil sa malaking kakulangan ng pabahay dito sa ating bansa.


Kaya naman po, nais kong personal na matunghayan ang pagkakataong ito at tiyakin na ang proyekto [ay] masisimulan at matatapos sa nakatakdang oras. 


Hindi po ito magiging madali, ngunit sa ating pagtutulungan—pamahalaan at mamamayan— national government at local government, ito ay kayang-kaya nating makakamit.


Siyempre, katuwang natin ang lokal 
government, na siyang nagtutukoy ng mga angkop na lugar na maaaring patayuan ng karagdagang pabahay.


Kasama rin dito ang ating DHSUD at mga key shelter agencies at financial institutions na nakikipagsanib-puwersa upang mabuo ang programang abot-kaya at makatarungan para sa ating mga kababayan. 


Maraming salamat, at nawa’y lalo pa ninyong [palawigin] ang programang ito, nang maramdaman ng iba pa nating mga kababayan saan mang sulok sa bansa.


Hindi po ako maaring magtapos na hindi ko pasasalamatan ang lahat ng nandito. Hindi lamang sa San Jose Del Monte, kung hindi pati na sa lalawigan ng Bulacan. Sa inyong naging suporta rito sa aming kampanya. Kami ni Inday Sara, ‘yung aming mga kandidato at sa inyong napakainit na pagsuporta na ibinigay sa amin, maraming, maraming salamat po. [applause]


Ibinabalita po sa akin ni Congressman Rida. Noong rally po natin marami pala kayo --- sa inyo ang nakarating doon at mabuti naman at nagkaroon tayo ng pagkakataon na nagsama kahit sa rally man lang.


Kaya’t ngayon ay nakabalik na. Parang pagka sumisigaw, ’yung mga nandoon pa, ito yata ‘yung mga napunta eh. Nakikilaka ko ‘yung mga malalakas na boses ninyo eh. Noong nag-i-speech ako, ‘yan ang naririnig ko. Kaya’t maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. [applause]


Ang isusukli namin po sa inyong tulong, sa inyong pagmamahal at sa inyong pagsuporta ang patuloy na aming ginagawa upang pagandahin ang buhay ng bawat kababayan nating Pilipino. ‘Yan po ang ating layunin. Diyan po tayo’y nagkaisa. Pagpatuloy po natin ‘yung ating tinawag at sinisigaw na unity dahil diyan po magiging --- ‘yan ang magiging solusyon po sa ating mga mahihirap na problemang hinaharap. 


Maraming, maraming salamat po ulit [applause] at maganda pong tanghali sa inyong lahat. [applause]


--- END ---

WATCH HERE: Groundbreaking of the 4PH Project in the City of San Jose Del Monte

LOCATION: Heroes Ville, Barangay Gaya-Gaya in San Jose Del Monte, Bulacan

About the Author

Maria Viktoria Viado

Information Officer

Central Office

Information Officer I

Creative Production Services Division

Philippine Information Agency

Visayas Ave., Diliman, Quezon City 

Feedback / Comment

Get in touch