Publications

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. in Bulacan

  • Published on April 20, 2023
  • |

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. in Bulacan

PRESIDENT MARCOS: Good afternoon. Good afternoon, everyone.

Q: Hi sir. Magandang hapon po.

PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.

Q: Sir, after the groundbreaking of the St. Bernadette Hospital that you led earlier, makakaasa po ba ’yung ating mga kababayan na marami pang mga community hospitals ‘yung ilulunsad po ninyo?

PRESIDENT MARCOS: Kaya nga, ‘yun ang plano talaga at ang aming napagkasunduan ’yung mga ospital, imbes na magtatayo ng --- kasi isa sa sinabi ko sa SONA, ‘yung unang SONA ko ay ‘yung specialty hospitals. Nakita natin noong pandemic gaano kaimportante ang naging --- ang ginampanan ng mga --- ang role na ginampanan ng ating mga frontliners but siyempre ‘yung mga ospital, facilities. 


So sabi ko, dapat mayroon hindi lang sa Maynila. Ang napagkasunduan namin, ay imbes na magtayo ng bago pang ospital ay mag-extension na lang ‘yung mga ibang ospital para mayroong specialty na ilang kama para talaga as a specialty hospital.


So ‘yun ang plano natin. And we are now identifying kung saan ‘yung areas. Tinitingnan natin kung ano ‘yung naging karanasan natin noong pandemic, saan sila nahirapan at saan sila malayo masyado ‘yung pasyente kailangang dalhin at doon natin ilalagay, doon sa mga lugar na ‘yun. 


Those places that have --- halimbawa, mahina ang localized healthcare, eh doon natin para matulungan ‘yung mga magkakasakit. Whatever it is.              


The hospital that we just inaugurated is also a specialty hospital because it is really for women and children. So another one of the biggest conditions that we have to deal with is pregnancy.


So tamang-tama, maraming matutulungan ‘yan. 



Q: Thank you, sir.



PRESIDENT MARCOS: Thank you. 



Q: Sir, good afternoon. 



PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.



Q: Regarding po sa Kadiwa stores po sir, paano po natin matitiyak na patuloy po ‘yung supply sa mga Kadiwa stores at mananatili po na abot kaya ‘yung mga bilihin po, ngayon pinapalakas pa po natin o pinapalaganap po ‘yung Kadiwa stores sa iba’t ibang bahagi ng bansa?



PRESIDENT MARCOS: ‘Yung Kadiwa, kaya natin idikta ang presyo. Hindi natin kailangan sundan ang market price. We can say hanggang diyan lang. Hindi puwedeng tumaas pa. Kung maari pa, pababain pa natin. 


At ‘yan ang ginawa natin. Noong nagkakulangan ng sibuyas, nagkakulangan ng asukal, ng bigas, ‘yan ang ating ginawa. Nag-supply tayo, nag-import tayo, kumuha tayo at ito ay sabi namin, basta sa Kadiwa, hindi natin naman makontrol ‘yung supermarket, hindi mo naman makontrol ‘yung mga ibang nagtitinda. 


Pero sabi namin ay doon sa Kadiwa, kontrolado natin ‘yan. Sasabihin natin, ito ang presyo. At kaya naman gawin. Basta’t ‘yun na nga, ‘yung mga added cost, ‘yung mga hidden cost para dalhin ang produkto mula sa magsasaka, hanggang sa palengke, sa Kadiwa, ay gobyerno na ang gagawa.


Basta’t we facilitate the movement of the supply of food around. Pero ang puno’t dulo niyan, we have to increase production. We have to increase production para patuloy na dumami ang Kadiwa and it is --- ongoing na ‘yan.


Pag maganda ang takbo ng ating agricultural production, that will be part of a system na dapat ongoing. ‘Yun lang ang --- ‘yun ang ating tinitingnan ngayon. So that’s how…


Well, first, the market forces will work. Dahil pagka maraming supply, bababa ang presyo. But anyway, kung Kadiwa, puwede natin talagang kontrolin ‘yung presyo pagka nagkakulang, may nangyari, nagka-drought, puwede pa rin natin tiyakin na mababa ang presyo ng bilihin. 



Q: Sir, good afternoon. 



PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.



Q: Sir, ilang buwan na lamang po, SONA niyo na naman. Ilang pabahay na po ba ang naipatayo ninyo simula ng maupo kayo sa puwesto and kaya pa rin ba ‘yung one million target per year?      



PRESIDENT MARCOS: Well, ang naumpisahan na, lahat-lahat, I think na na-groundbreak is about 1.3, 1.2 million na nasimulan na.


Kaya sinasabi, tinutukso ko si Secretary Jerry. Sabi ko sa kanya: O, sa susunod naman, dalhin mo kami doon sa mga --- may naitayo na. Kasi baka sasabihin nila panay ribbon cutting natin, tapos wala ng nangyari.


So sabi ko, that’s the next part. Pagka nagsimula nangumaakyat, iinspeksyunin natin para makita naman na talagang gumagalaw. 


One of the main indicators is marami talagang kumukuha. Maraming nagiging bagong miyembro ng Pag-IBIG Fund para nga --- dahil interesado sila, mayroon silang pagkakataon na magkaroon ng bahay. 


All of these things are indicative na patuloy talaga ang pag-supply ng bahay at talagang may market. Tama nga na tinugunan natin itong problemang housing na ito. 


So kung maka-start tayo… What are we now? Ten months? Ten months. Nag-1.2 million na si Sec. Jerry. Tingnan natin. Basta’t ipagpatuloy. 


Malaking kompyansa ko kasi noong nasa private sector siya nagagawa niya talaga eh. Alam niyang gawin eh. So I think we just wait for the actual structures to start coming up. ‘Yan, puntahan din natin ‘yan pagka nangyari na.



Q: Hi sir. Magandang hapon po. 



PRESIDENT MARCOS: Hi. Good afternoon.



Q: Sir, sabi po ng Federation of Free Farmers, baka daw magkaroon tayo ng deficiency sa bigas on lean months, starting po sa July. And ang concern po nila, baka daw maulit ‘yung krisis sa bigas na naranasan natin noong 2018 at tumaas ulit ‘yung preso. Do you see this coming sir? Another round of rice crisis?



PRESIDENT MARCOS: No. I don’t. There is a chance na ninipis talaga ‘yung supply because nga nung magkasabay-sabay ‘yan.


So we are watching and waiting to see what the production levels are going to be after the last planting season before the harvest, for the upcoming harvest and what will be…


Basta’t nag-harvest na tayo. Pagka umani na tayo, wala ng problema sa supply. It’s precisely as you mentioned. It is in the dry part where we are waiting for the last planting to be harvested.


So ‘yun ang tinitingnan natin. We may have to import. So that’s --- we’re keeping that option open. 


So but as it stands now. Basta’t suwertehin tayo nang kaunti, ‘di naman tayong masyadong mag-Odette ulit o isang malaking problema sa whatever, the fertilizer will change its prices again.


Basta’t things --- all things remain in equal we are --- we have enough supply and that we’ll be able to keep the prices stable.


The problem that we are facing now is because of the recent past. Medyo minamalas tayo sa bagyo, bumaba --- tapos kakadaan lang natin ng lockdown, pandemic, et cetera. Nagamit nang husto ‘yung buffer stock ng NFA.


Ang natira… Usually, ang gusto natin diyan is buffer stock of nine days. Presently, ang buffer stock ng NFA is one and a half days lamang. Isang bagyo pa lang ‘yan eh siguro wala pang isang --- after two, three days wala na tayong mabibigay.


Ngayon, may batas na nagsasabi ang NFA, kailangan lang bumili sa local producer. Ngayon, kung sasabay tayo sa harvest season na bumili, ang NFA, tataas ang presyo ng bigas.


Kaya’t ‘yun ang pinoproblema ngayon namin. Paano natin gagawin ‘yun? Saan natin kukunin ‘yung pang-replenish doon sa NFA na ano…


Kasi may mangyayari ‘yan kahit papaano. May mangyayari pa diyan eh. Baka bumigat na naman ‘yung COVID. Baka na naman magkabagyo ulit. 

Baka nga ‘yung sinasabi ko, ‘yung mga inputs tumaas ang presyo. Whatever it is.


We have to have that buffer stock and that’s the problem that we are wrestling with now dahil talagang binabantayan natin ang mga presyo ng mga agricultural commodities. Siyempre, lalong-lalo na ang bigas.



Q: Good afternoon, Mr. President. 



PRESIDENT MARCOS: Good afternoon. 



Q: May we have your reaction on the comment of Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian on China and our overseas Filipinos in Taiwan?



PRESIDENT MARCOS: I think there must have been an element of ‘yung lost in translation. It’s not his --- English is not his first language but I’m very interested to know what it is that he meant.


I believe --- I interpret it as him trying to say that you should not --- Philippines do not provoke or intensify the tensions because it will impact badly on the Filipinos in… Well that’s why --- that’s how I take it. 


But I’ll be talking to the Ambassador soon. And I’m sure he will be --- I’m sure he’ll be very anxious to give his own interpretation of what he was trying to say.


Yeah, it was --- it is… We were all a little surprised but I just put it down to the difference in language. 


All right. Thank you. Maraming salamat.


--- END ---


About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch