No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Inhinyera sa Marinduque, eksperto rin sa e-commerce dahil sa DICT

"Be patient and diligent. The training itself needs time." Ito ang mga katagang namutawi sa labi ni Engr. Joybelle Buenaventura matapos makumpleto ang pagsasanay hinggil sa Introduction to E-commerce for micro, small and medium enterprises (MSME) na inorganisa ng Department of Information and Communications Technology (DICT)-Mimaropa sa ilalim ng programang DigitaljobsPH.

Si "Ma'am Joy," tawag sa kanya ng mga dati niyang estudyante at katrabaho, ay isang lisensyadong Electronics and Communications Engineer (ECE) na kinuha ang pagkakataon para magdagdagan ang kaalaman tungkol sa Social Media and Marketing.

Noong nakaraang taon, ang DICT ay nagsagawa at nagbigay ng libreng pagsasanay para sa online freelancing at isa sa mga kumuha ng nasabing kurso mula sa rehiyon ay si Engr. Buenaventura.

"I never expected anything before the training started. I came from zero knowledge about E-commerce to a more knowledgeble one now in terms of utilizing media for my business (Wala akong inaasahang kahit na ano sa simula ng pagsasanay. Wala akong ideya o alam tungkol sa e-commerce hanggang sa matutunan at malaman ko ang mga bagay hinggil sa wastong paggamit ng [social] media para sa aking negosyo)," pahayag ni Buenaventura.

Dagdag ng inhinyera, "As observed, it takes time for everything. Thus, there should always someone who can guide you throughout the journey. DICT, through the various projects available will be side-by-side to help you attain your goals in life (Kagaya ng aking mga naranasan, kailangan talaga ng oras para sa mga

bagay bagay. Kaya, dapat palaging may isang taong maaaring gumabay sa iyo sa kabuuan ng iyong paglalakbay. Diyan maaasahan ang DICT, sa kanilang napakaraming proyekto na tiyak magagamit sa pag-abot ng mga pangarap natin sa buhay)."

Sa kasalukuyan si Engr. Joy ay isa ng mayroong matagumpay na MSME at patuloy na ginagamit at ibinabahagi ang kanyang natutunan mula sa DICT.

Samantala, isa rin sa mga pangunahing layunin ng training ay ang mapataas ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sa bansa kung saan dahil sa mga kursong ipinagkakaloob ng DigitaljobsPH ay nagkakaroon ng mas malaking potensyal na matanggap at makakuha ng trabaho ang bawat isa.

Ang DigitaljobsPH na dating Rural Impact Sourcing RIS Program at mas kilala sa katawagang "Kapag May WiFi, May Hanapbuhay" ay isang programa ng DICT na nagbibigay ng libreng technical trainings sa mga nagnanais maging online freelancers bilang isang paraan ng kabuhayan gamit ang sariling internet platform. (RMJ/PIA Marinduque)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch