No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Poultry production management seminar, isinagawa sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque (PIA) -- Isang pagsasanay hinggil sa 'poultry production and management' ang isinagawa sa ilalim ng Youth Entrepreneurship Support Program ng Santa Cruz Municipal Youth Development Office (MYDO), kamakailan.

Layon ng programa na maturuan ang mga kabataang kalahok sa tamang paraan ng pagpapalaki at pag-aalaga ng mga manok nang sa gayon ay magkaroon ang mga ito ng oportunidad na magnegosyo bilang tulong sa kanilang pamilya na lubos na naapektuhan ng pandemya.

"Inaasahan po natin na mapalalago ng mga kabataang benepisyaryo ang mga natanggap nilang interbensyon upang magkaroon sila ng mapagkakakitaan," pahayag ni Mayor Antonio Uy, Jr.

Bukod sa pagsasanay, namahagi rin ng mga panimulang kagamitan kagaya ng chicken water container, patuka at palakihing sisiw ang Municipal Agriculture Office (MAO).

Sa ilalim ng Municipal Youth Development Office, isang seminar hinggil sa Youth Entrepreneurship Support Program na Poultry Production and Management ang isinagawa kamakailan sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque. (Larawan mula sa Santa Cruz LGU)

Ang seminar ay dinaluhan ng mga kabataan mula sa Barangay Lapu-lapu partikular ang mga miyembro ng Batangas Youth Civic Action (BYCA) sa pangunguna ni Santa Cruz Sangguniang Kabataan President Dollan Kerby Murillo kasama si Konsehal Amelia Aguirre. (RAMJR/ENSJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch