No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Alagaing kambing ipinamahagi sa mga kabataan sa Maniwaya, Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque (PIA) -- Nakatanggap ang mga kabataan na miyembro ng Maniwaya Youth Core (MYC) sa isla ng Maniwaya, bayan ng Santa Cruz nang mga alagaing kambing bilang bahagi ng 'Goat Raising: Production and Management Program' na inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng Municipal Youth Development Office (MYDO).

Ayon kay Mayor Antonio Uy, Jr. mahalaga ang mga kahalintulad na programa para sa mga kabataan upang magkaroon sila ng hindi lamang libangan kundi maging karagdagang mapagkakakitaan.

"Patunay po ito na prayoridad at buo ang aking suporta sa mga ganitong proyekto at programang pangkabataan," ani Mayor Uy.

Personal na ibinigay ni Mayor Antonio Uy, Jr. ang mga alagaing kambing sa mga kabataan na miyembro ng Maniwaya Youth Core. (Larawan mula sa Santa Cruz LGU)

Matatandaan na una ng nagkaroon ng Mushroom Production Seminar para mga kabataan sa Barangay Masalukot habang Poultry Production naman ang ginawa sa Barangay Lapu-lapu at Turmeric Production ang inorganisa sa mga kabataan ng Barangay Devilla.

Sa kabilang banda, pinangunahan ni Mayor Uy ang naturang programa kung saan ay umaasa ang alkalde na mapauunlad ng mga benepisyaryo ang mga kambing nang sa gayon ay mas lumago at dumami pa ang makatatanggap ng kaparehas na tulong sa kanilang komunidad. (RAMJR/ENSJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch