No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong multi-purpose hall sa Caigangan, Buenavista pinasinayaan

BUENAVISTA, Marinduque (PIA) -- Pormal nang pinasinayaan at binasbasan ang bagong gawang multi-purpose covered court sa Barangay Caigangan, Buenavista, Marinduque kamakailan.

Ayon kay ACT-CIS Party-list Representative Rowena Niña O. Taduran, natupad ang proyekto dahil sa kahilingan ng namayapang bise alkalde ng Buenavista na si Hannilee R. Siena na personal na nagtungo sa kanyang tanggapan sa Batasang Pambansa noong nabubuhay pa ito, para idulog ang nasabing gusali.

Dagdag pa ng kongresista, isa lamang ito sa maraming proyekto na naitayo at naisakatuparan sa iba't ibang panig ng bansa sa pangunguna ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list.

Sama-samang binasbasan at pinasinayaan nina ACT-CIS Party-list Representative Rowena Niña O. Taduran at Mayor Nancy C. Madrigal ang bagong gawang multi-purpose covered court sa Barangay Caigangan, Buenavista. (Larawan mula sa opisina ni Congresswoman Taduran)

"Isa ang Barangay Caigangan sa bayan ng Buenavista sa mapalad na nabigyan ng pondo para maitayo ang kanilang multi-purpose building (MPB) dahil batid natin na malaking bagay ang mga proyektong pang-imprastraktura lalo na sa mga liblib at underserved communities," pahayag ni Taduran.

Aniya, magisisilbing lugar o venue para sa mga gawain ng barangay ang naturang multi-purpose hall at maaaari itong maging evacuation center at recreational venue lalo't higit sa larangan ng mga aktibidad pampalakasan.

"Magiging daan ang proyektong ito para mas mapalakas ang local government at barangay units sapagkat maaaring idaos dito ang mga assembly na may kinalaman sa pagpapapaunlad ng pamayanan," pagtatapos ni Taduran.

Nagkakahalaga ang nasabing proyekto ng P7 milyon na pinondohan mula sa 'regular fund' ng mambabatas. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch