No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

2-araw na seminar sa paghabi ng nito, isinagawa sa Gasan

GASAN, Marinduque (PIA) -- Isinagawa sa bayan ng Gasan, partikular sa barangay Tapuyan ang dalawang araw na skills training sa paghihikit o paghahabi gamit ang nito.

Ang naturang aktibidad ay inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI)-Negosyo Center ng Gasan, sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Tapuyan katuwang ang Tito Nito na naglalayong madagdagan pa ang mga maghahabi ng nito sa lugar lalo't higit para magkaroon ng karagdagang mapagkakitaan ang mga mamamayan.

Ayon sa DTI-Marinduque, 15 indibidwal mula sa Tapuyan at karatig barangay na Cabugao ang lumahok sa nasabing nito weaving.

Bukod dito, matapos ang demostrasyon at pagsasanay sa unang araw ay matagumpay na nakagawa ng 'finish product' ang mga dumalo kagaya ng nito tissue holder at nito pot o planter.

Sa ikalawang araw ng seminar ay nakatanggap naman ang kalahok ng sertipiko ng partisipasyon sa naturang gawain. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch