No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kauna-unahang solo parent federation sa Marinduque, itinatag sa Buenavista

BUENAVISTA, Marinduque (PIA) -- Bumuo ng pederasyon ang mga solo parent mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng Marinduque sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Buenavista.

Bilang pagpupugay sa mga 'solo parent' sa probinsya, nagkaroon ng pagkakataon ang mga magulang na maitatag ang isang samahang magtataguyod sa karapatan at pribilehiyo ng naturang sektor.

Nabigyang halaga ang tungkulin na ginagampanan ng mga solo parent hinggil sa pagsusulong sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Ayon sa grupo, nais nilang maitaas ang antas ng kamulatan sa batas hinggil sa Republic Act No. 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000.

Pangunahing tututukan ng organisasyon na maitaguyod ang pamilya bilang pundasyon ng bansa, palakasin ang pagkakaisa at tiyakin ang kabuuang pag-unlad nito.

Bumuo ng pederasyon ang mga solo parent mula sa Pantawid Pilipino Program ng Marinduque sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Buenavista. (Larawan mula sa DSWD-Marinduque)

Kaakibat din ay ang pagbuo ng isang komprehensibong programa at mga serbisyo para sa mga solong magulang at kanilang mga anak.

Naisakatuparan ang pagtatatag ng pederasyon sa pamamagitan ng DSWD-4Ps Provincial Operations Office at Municipal Operations Office (MOO) ng Buenavista. (RAMJR/CLM/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch