Malaking tulong aniya sa panahon ng bagyo ang proyekto sapagkat magkakaroon ng pansamantala at ligtas na tirahan ang mga mamamayan sakaling tamaan ng kalamidad.
Dagdag pa ng gobernador, sinisikap din ng pamahalaang panlalawigan na makapagpagawa ng libreng pabahay sa ilalim ng DHSUD para matulungan na magkaroon ng tirahan ang mga mahihirap na residente gayundin ang makapagpatayo ng mga dormitoryo para sa mga mag-aaral.
Ang itatayong mga pasilidad ay bahagi ng hangarin ng kagawaran na magtatag ng disenteng pabahay at pagpapanatili ng ligtas na komunidad sa buong bansa kasama na ang pagpapalakas ng pangkalahatang paghahanda sa mga sakuna partikular sa mga lugar na madalas na tinatamaan ng kalamidad.
Nagpasalamat din si Velasco sa nasyunal na pamahalaan lalo't higit sa tanggapan ng pananahanang pantao at pagpapaunlad ng kalunsuran.
Samantala, kabilang sa mga dumalo sa MOA signing sina Undersecretary Marylin Pintor, DHSUD-Mimaropa Regional Director Julius Enciso, Housing and Real Estate Development Regulation Bureau OIC-Director Angelito Aguila, Vice governor-elect Adeline Angeles, Mayor Augusto Livelo ng Mogpog, Provincial Planning and Development Coordinator Marian Cunanan at Eleuterio Raza Jr. na kumatawan kay Torrijos Mayor Lorna Velasco. (RAMJR/PIA MIMAROPA)