No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cagayan PNP patuloy na inilalapit ang mga programa ng pamahalaan sa mga liblib na lugar

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Sa patuloy na pagsasagawa ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ng Duterte Legacy Caravan sa nasasakupan nito, dumarami rin ang bilang ng mga natutulungan nilang residente katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Nito lamang ika-14 ng Hunyo ay karagdagang 72 pamilya ang nabenepisyuhan ng nasabing caravan sa barangay Minanga sa bayan ng Rizal. Ang nasabing barangay ay isa sa mga nasa listahan ng priority barangays sa ilalim ng programang ELCAC ng pamahalaan kung saan benepisyaryo rin ito ng Support to Barangay Development Program.

Matatandaan na nakapagsagawa rin kamakailan ng parehas na caravan ang CPPO sa barangay Anurturu sa nasabing bayan.

Ayon kay CPPO Provincial Director Col. Renell Sabaldica, bagama't malayo, delikado at kasalukuyan pang inaayos ang daan ay hindi ito naging hadlang para makapaghatid ng tulong ang Cagayano cops kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan sa mga kababayan natin sa nasabing barangay.

Aniya hangad ng Duterte Legacy Caravan na abutin ang mga liblib at malalayong lugar para maihatid ang mga programa ng gobyerno at para tuluyan nang mapuksa ang problema sa insurhensiya.

Pamamahagi ng relief packs, hygiene kits, COVID kits, iba't-ibang klase ng seedlings, at iba pang mga tulong ang hatid ng iba pang ahensiya na sumama at dumalo sa nasabing programa sa mga residente ng nasabing barangay.

Masustansyang lugaw naman ang handog ng Rizal Municipal Police Station sa pakikipagtulungan sa mga miyembro ng My Brothers happy Keeper Life Coaches.

Isa sa mga aktibidad na isinagawa ng kapulisan at kasundaluhan sa Duterte Legacy Caravan ay feeding activity para sa mga bata ng nasabing barangay. (CPPO photo)

Dagdag dito, isang orientation ang isinagawa ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para isiwalat ang panlilinlang ng mga makakaliwang grupo upang wala nang kabataan pa ang maloko ng mga rebelde.

Naging katuwang ng CPPO sa pagsagsagawa ng Duterte Legacy Caravan thru Convergence of all Government Agencies ang Department of Social Welfare and Development, Office of the Civil Defense, Provincial Government of Cagayan, Department of the  Interior and Local Agency, Department of Agriculture, DOH, Philhealth, Technical Education and Skills Development Authority, Local Government Unit, NICA, at PA. (MDCT/With reports from CPPO/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch