No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

483 mag-aaral sa Torrijos, tumanggap ng educational assistance

TORRIJOS, Marinduque (PIA) -- Umabot sa 483 ang bilang ng mga mag-aaral sa munisipalidad ng Torrijos ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay Helen Alcoba, Social Welfare and Development Team Leader sa Marinduque, 183 mula sa elementarya ang tumanggap ng ayuda, 114 sa sekondarya habang 125 naman ang nasa kolehiyo.

Aniya, P1.1 milyon na ang naipagkaloob na educational assistance sa unang yugto ng pamamahagi sa mga benepisyaryo.

Nasa P2.2 milyon umano ang kabuuang pondo na nakalaan sa Torrijos kaya may natitira pang halos P1.1 milyon na nakatakdang ipamahagi sa ikalawang yugto ng distribusyon.

Ayon kay Helen Alcoba, Social Welfare and Development Team Leader sa Marinduque, 183 mula sa elementarya ang tumanggap ng ayuda, 114 sa sekondarya habang 125 naman ang nasa kolehiyo. (Larawan mula sa Torrijos LGU)

Nagpaalala naman si Alcoba na ang mga makatatanggap lamang ng mensahe mula sa kanilang ahensya ang mabibigyan ng educational assistance kaya mahalagang dala ang cellphone sa pagkuha ng ayuda para sa tamang berepikasyon. Dito rin sasabihin ang iskedyul at pook kung saan gaganapin ang payout.

Sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS na tulong para sa mga tinatawag na 'Students-in-Crisis', maaaring magamit ang makukuhang halaga sa pagbili ng school supplies, pambayad sa tuition fees, pang-allowance, at iba pang mga bayarin sa eskwelahan. (RAMJR/MKL/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch