No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Boac LGU, namahagi ng solar lights

BOAC, Marinduque (PIA) -- Namahagi ng solar lights ang Lokal na Pamahalaan ng Boac sa mga residente ng Barangay Pawa at Tabigue, kamakailan.

Sa Barangay Tabigue ay 15 indibidwal ang nabigyan habang 46 katao naman ang nakatanggap sa Barangay Pawa.

Ayon kay Mayor Armi Carrion, prayoridad ng pamahalaang bayan na mapagkalooban ng nasabing solar lights ang mga mamamayan na hindi naseserbisyuhan ng kuryente.

"Nawa ay makatulong ang mga solar light na ito na mabigyang liwanag ang inyong mga tahanan," ani Carrion.

Sa Barangay Tabigue ay 15 indibidwal ang nabigyan ng solar light habang 46 katao naman ang nakatanggap sa Barangay Pawa. (Larawan mula sa Boac LGU)

Ipinaliwanag naman ni Boac Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office Officer-in-Charge Rogelio Onte Jr., ang tamang paggamit ng mga solar lights para humaba ang 'lifespan' ng mga ito nang sa gayon ay lubos na mapakinabangan.

Ang ipinamahaging mga solar lights ay kaloob ng IKEA Philippines sa tulong ng Liter of Lights, isang pandaigdigang organisasyon na nakatuon sa pagbibigay ng abot-kayang solar lights sa mga indibidwal na may limitado o walang access sa kuryente. (RAMJR/GASL/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch