No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

12 barangay sa Mogpog, tumanggap ng family food packs mula DSWD

MOGPOG, Marinduque (PIA) -- Tumanggap ng family food packs (FFP) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 12 barangay sa bayan ng Mogpog, kamakailan.

Base sa tala ng DSWD-Mimaropa Field Office, umabot sa 801 na benepisyaryo ng Food For Work (FFW) Program ang napagkalooban ng nasabing food packs.

Sa Barangay Balanacan, 138 katao ang nabiyayaan ng FFP, 97 sa Paye, tig 95 sa Bintakay at Guisan, 68 sa Argao, 67 sa Ino, 61 sa Laon, 58 sa Capayang, 40 sa Nangka II, 35 sa Silangan, 30 sa Hinanggayon habang 17 kahon ang ibinigay sa Barangay Nangka I.

Pamamahagi ng family food packs sa bayan ng Mogpog, Marinduque. (Larawan mula sa DSWD-Mimaropa)

Bawat kahon ng relief supply ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, apat na lata ng tuna flakes, dalawang delatang sardinas, limang sachet ng kape at limang sachet ng cereal drink.

Sa ilalim ng programang FFW ng DSWD, makatatanggap ang benepisyaryo ng isang kahong family food packs kapalit ang dalawang araw na pagtatrabaho o paglilinis sa mga eskwelahan o komunidad na itinalaga ng katuwang na lokal na pamahalaan. (RAMJR/GASL/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch