No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pinsala ni Paeng sa Marinduque higit P90-M, state of calamity idineklara

BOAC, Marinduque (PIA) -- Pormal nang idineklara ang isang taong 'state of calamity' sa lalawigan ng Marinduque.

Base sa ipinasang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan na inaprubahan naman ni Gov. Presbitero Velasco Jr., pinagtibay ang Resolution No. 237-2022 na nagsasailalim sa buong probinsya sa 'state of calamity' dahil sa iniwang pinsala ng Bagyong Paeng.

Sa inisyal na Damage Assessment and Needs Analysis Report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), umabot sa 20,754 na pamilya o may katumbas na 73,610 na katao ang lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Tinataya namang nasa P90,489,905.53 ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura kasama na ang mga namatay na hayop dulot ng baha at malakas na ulan.

Pasado alas 8:40 ng umaga noong Oktubre 29 nang maitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa ang ika-apat na landfall ng Bagyong Paeng sa bayan ng Santa Cruz. (RAMJR/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch