No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kauna-unahang dialysis center sa Marinduque, tumatanggap na ng pasyente

BOAC, Marinduque (PIA) -- Magsisimula na ang operasyon ng kauna-unahang hospital-based Hemodialysis Center sa lalawigan ng Marinduque.

Sa paunang pabatid ni Gov. Presbitero Velasco Jr., ipinahayag nito na maaari ng magparehistro sa kanilang opisina ang mga interesadong dialysis patient para mabigyan ng iskedyul ng assessment.

"Hindi na kailangang lumuwas pa at gumastos ang isang indigent dialysis patient dahil libre na ang dialysis treatment sa Marinduque Provincial Hospital," ani Velasco.

Ang dalawang dialysis machine ay donasyon mula sa Rotary Club of Marinduque North para sa pamahalaang panlalawigan. Kasama din sa pinagkaloob ay ang mga kagamitan para sa water treatment.

Kinakailangan lamang magpasa ng mga pangunahing requirement kagaya ng resulta ng laboratoryo, latest hepa profile, clinical abstract with HD order, doctor's referral at tatlong latest treatment sheets.

Kabilang din sa kailangang isumite ay ang PhilHealth Membership Data Record (MDR), PhilHealth Dialysis Database (PDD) at Certificate of PhilHealth Utilization kasama na ang negatibong resulta ng rapid antigen test.

Kapag nakapasa sa assessment, maaari nang sumailalim sa hemodialysis session ang isang pasyente.

Sa mga interesado, magtungo lamang sa Tanggapan ng Gobernador o kaya ay tumawag sa mga numerong 0963-415-8561, 0970-847-1519, 0918-200-0428, 0930-510-2411 o 0975- 079-9428. (RAMJR/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch