No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

70 magsasaka sa Gasan, tumanggap ng tulong pinansyal mula PCIC

GASAN, Marinduque (PIA) -- Tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC ang nasa 70 magsasaka sa bayan ng Gasan, Marinduque.

Ayon kay Mayor Rolando Tolentino, layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka sa rehabilitasyon, gayundin upang makabangon sa pinsalang dulot nang nagdaang bagyo na tumama sa kanilang bayan noong nakaraang taon.

"Ang Pamahalaang Bayan ng Gasan ay kaisa ng PCIC sa mga ganitong uri ng proyekto dahil malaki ang naitutulong nito upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayang magsasaka lalong lalo na ang mga naapektuhan ng kalamidad," pahayag ni Tolentino.

Hinikayat din ng alkalde na magparehistro ang lahat ng mga magsasaka sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) para makatanggap ng mga benepisyo mula sa PCIC.

Umabot sa P499,872 ang kabuuang pondong inilaan ng ahensya sa nasabing mga benepisyaryo kung saan ang pamamahagi ay pinangunahan ni Daisy Esplana, kinatawan ng PCIC-Marinduque kasama sina Vanessa Tayaba, Municipal Agricultural Officer at Konsehal Harold Lim bilang Chairman ng Committee on Agriculture. (RAMJR/AMKDA/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch