No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Breakwater sa Mogpog, malaki ang maitutulong sa mga residente

MOGPOG, Marinduque (PIA) -- Malaki ang maitutulong sa mga residente lalo na sa mga mangingisda nang ginagawang breakwater o seawall sa Bayan ng Mogpog..

Base sa impormasyong ibinahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Mimaropa Regional Office, ang pamasag-alon na itinayo sa Barangay Argao sa nasabing bayan ay may habang 90 linear meters.

Ito ay inaasahang magsisilbing unang linya ng depensa para mapangalagaan ang mga mamamayan ng barangay mula sa pagbaha sa baybayin gayundin ang storm surge na dulot ng masamang panahon kagaya ng bagyo.

Bukod sa pagprotekta sa residential area, layunin din ng istraktura na bawasan ang coastal erosions at magbigay ng ligtas na pondohon para sa mga bangka ng mga mangingisda.

Aabot sa humigit P9 milyon o P9,611,877.1 ang halaga ng pondong inilaan dito ng gobyerno sa ilalim ng DPWH Regular Infrastrature General Appropriations Act of 2022.

Sa kasalukuyan ay nasa 90.45 porsiyento na ang completion status ng Argao Breakwter/Seawall kung saan ay tinitiyak na matatapos ang konstrukyon nito ngayong taong 2023. (RAMJR/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch