Ang naturang kumperensya ay magbibigay din ng lugar para sa magaganap na trade fair exhibit, na naglalayong ipakita ang mga natatanging produkto ng Mindanao. Sa pamamagitan ng trade fair exhibit, magkakaroon din ng pagkakataon na mapalawak ang pamumuhunan sa buong Mindanao at maging sa buong bansa.
Samantala, hinihikayat ni Ginang Lu ang lahat, hindi lamang ang mga malalaking negosyo kundi pati na rin ang mga mula sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) na samantalahin ang pagkakataong makibahagi sa napakamahalagang pagtitipon na ito sa Mindanao.
Ang mga interesadong indibidwal na gustong lumahok sa kumperensya ay kinakailangang magbayad ng registration fee. Ang regular rate ay PHP3,500.00, samantalang PHP2,500.00 para sa mga miyembro ng PZCCFI at PHP2,000.00 para sa mga interesadong estudyante. Kasama na sa bayad ang conference kit, pagkain, at meryenda para sa pagtitipon.
And nasabing pagtitipon ay gaganapin sa City Commercial Center (C3) mall ngayong Agosto 23-25 taong kasalukuyan. (RVC/SBM/PIA9-Zamboanga del Sur)