No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PBBM iniutos ang pagpapatuloy ng warehouse raids kontra rice smugglers at hoarders

Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy ang kanilang warehouse raids upang pigilan ang mga nagho-hoard at ilegal na nag-aangkat ng bigas.

Sa isang press briefing sa Malacañang nitong Martes, sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na pinapalakas ng BOC ang kanilang pagsisikap na mahanap ang mga illegal importers ng mga agrikulutral na produkto sa pamamagitan ng pagsusuri sa lahat ng mga bodega, particular na ang imported rice.

Ani Rubio, pagkatapos ng pagsusuri ay maglalabas sila ng letters of authority para magsagawa ng inspeksyon sa mga bodegang ito.

Nagbigay rin siya ng updates sa iba pang ginagawa ng kanilang ahensya, kagaya ng kamakailang surprise inspection ng rice warehouses sa Bulacan, kabilang na ang tatlong mga warehouse sa Intercity Industrial Complex San Juan Balagtas Bulacan.

Ang tatlong bodega na sumailalim sa inspeksyon ay Great Harvest Rice Mill Warehouse, na matatagpuan sa Intercity Industrial Complex; San Pedro Warehouse Intercity Industrial Complex; at FS Rice Mill Warehouse.

Ang mga sako ng bigas na natagpuan sa mga nabanggit na bodega ay inangkat mula sa Vietnam, Cambodia, at Thailand na may inisyal na tinatayang kabuuang halaga na 505 milyong piso, ayon kay Rubio.

Hindi naman pinahintulutan ang mga may-ari at operator ng mga bodega na kunin ang mga kalakal maliban kung makapagpakita sila ng kaukulang dokumento sa kanilang pag-aangkat ng bigas. Binigyan sila ng hanggang Setyembre 8, 2023 upang patunayan na nagbayad sila ng buwis para sa mga kalakal.

Ang mga nabanggit na bodega aniya ay pansamantalang isinarado upang mapanatili ang mga inangkat na mga sako ng bigas na matatagpuan doon, habang hinihintay ang pagkumpleto ng imbentaryo ng mga assigned examiner na nagpatuloy noong Agosto 29.

Ang mga may-ari at operator ng mga bodega ay inutusan din na magsumite ng pruweba ng pagbabayad ng buwis at buwis para sa mga inangkat na mga sako ng bigas sa loob ng 15 araw mula sa pagpapatupad ng LOA o hanggang sa Setyembre 8, 2023, dagdag nito.

Tinitiyak ni Rubio na magkakaso laban sa mga salarin, kung mapatunayang ang mga may-ari at operator ng mga nabanggit na bodega ay may kasalanan.

Binanggit din niya ang patuloy na koordinasyon ng BOC sa Department of Justice (DOJ) sa pag-file ng mga kaso laban sa mga nahuling smugglers. (HJFP -- PIA SarGen)

About the Author

Harlem Jude Ferolino

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch