Matagumpay na nagtanghal ang Philippine Information Agency Puppet Theater (PIA PT) mula noong June 13 hanggang June 16, 2023 sa mga paaralan sa iba’t ibang munisipyo sa Palawan na may mataas na kaso ng dengue.
Kabahagi ang PIA PT ng Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) patungkol sa pagsugpo sa dengue bilang pagdiriwang ng Dengue Awareness Month.
Naganap ang huling pagtatanghal ng PIA PT sa Puerto Princesa City sa Pilot Elementary School at Sta. Monica Elementary School.
Ibinahagi ng DOH-CHD at PIA PT ang ‘5S kontra dengue’ sa pamamagitan ng isang puppet play na may titulong ‘Dengue’. Para maging ligtas kontra sa sakit tandaan ang 5S:
1) Search and destroy mosquito breeding sites;
2) Self-protection like using of insect repellents;
3)Seek early consultation at the neatest health care facility;
4) Support fogging, spraying, and misting in hot spot areas; and
5) Sustain hydration.
Para sa mga susunod na pagtatanghal ng PIA PT, silipin ito sa kanilang Facebook Page na PIA Puppet Theater.
Kita kits! Dengue, get, get, out!