No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Women power sa PNPA class ’22

LUNGSOD NG QUEZON -- Anim na babaeng kadete mula sa 28 na nag-aral ang napasama sa top 10 ng Philippine National Police Academy (PNPA) Alab-Kalis Class of 2022 na ipinakilala ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos nitong April 18, 2022.

Ang Alab-Kalis class o ang Alagad ng Batas na Kakalinga sa Sinilangang Bayan ay may kabuuang 226 na kadete. 198 sa mga ito ay lalaki at 28 ang mga babae.

Si Police Cadet Ernie Alarba Padernilla ng Passi City, Iloilo ang valedictorian at makatatanggap ng Presidential Kampilan Award.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang panauhing pandangal sa graduation ceremony ng klase sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite noong April 21, 2022. (JAFDon - IDPD)

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch