No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

5K dagdag honararium ng mga BHW sa Marinduque, inirekomenda

BOAC, Marinduque (PIA) -- Pormal na inirekomenda ni Gov. Presbitero Velasco Jr. sa Sangguniang Panlalawigan (SP) na dagdagan ang 'honararium' ng mga barangay health worker (BHW) sa buong probinsya.

Sa pamamagitan ng isang liham na ipinadala ni Velasco sa SP partikular sa Commitee on Appropriations, sinabi nito na panahon na para itaas ang honararium o sweldong natatanggap ng isang BHW.

"Bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagtugon sa hamon ng pandemya sa kabarangayan at pagiging maaasahang lingkod bayan, inirekomenda ng inyong lingkod kay Bokal Adeline Angeles, chairperson ng Committee on Appropriations at Bokal Theresa Caballes, chairperson ng Committee on Social Services na dagdagan ang matatanggap na honorarium ng mga barangay health workers," ani Velasco.

Direktang nakipag-ugnayan at inirekomenda ni Gov. Presbitero Velasco Jr. sa Sangguniang Panlalawigan na dagdagan ang honorarium ng mga barangay health worker sa Marinduque. (Larawang kuha ni Romeo Mataac Jr/PIA)

Dagdag pa ng gobernador, batid n'ya ang hirap ng serbisyo at sakripisyo ng mga BHW na nagsilbi at naging kaagapay ng mga medical at barangay frontliners sa panahon ng pandemya hanggang sa pagbabakuna sa mga komunidad.

Batay sa panukala ni Velasco, mula sa dating P4,000 ay gagawing P9,000 ang buwanang honararium ng isang barangay health worker.

Samantala, nagpasalamat din ng punong panlalawigan sa lahat ng mga BHW sa kanilang hindi matatawarang paglilingkod sa mga mamamayan. (RAMJR/CLM/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch