No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 100 bangka, ipinamahagi sa mga mangingisda sa Marinduque

BOAC, Marinduque (PIA) -- Isang daang bangka ang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga mangingisda sa lalawigan ng Marinduque noong Hunyo 7.

Ayon kay Gov. Presbitero Velasco Jr., malaki ang kanyang pasasalamat sa DOLE sapagkat napabilang ang probinsya sa mga nabigyan ng ahensya ng ganitong programa.

"Nagpapasalamat po ako kay Sec. Silvestre Bello III at kay Provincial Director Peter James Cortazar dahil hindi nila pinabayaan ang grupo ng mga mangingisda sa Marinduque," ani Velasco.

Ang mga ipinamahaging bangka sa may 100 mangingisda sa Marinduque. (Larawang kuha ni Christian Paul Villaruel/PIA)

Dagdag pa ng gobernador, patuloy na gumagawa ng paraan ang pamahalaang panlalawigan para maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga nasa sektor ng pangisdaan.

Hinikayat din ni Velasco ang mga benepisyaryo na magdagdag ng kaalaman o iba pang skills nang sa gayon kapag masama ang panahon at hindi pwedeng pumalaot para mangisda ay mayroon silang maaari pang ibang pagkakitaan.

"Pwede po kayong mag-enroll sa Tesda. Mag-aral po kayo ng pagmamaneho, libre po ito. Mayroon din pong ibinibigay na livelihood training ang DTI (Department of Trade and Industry) na tiyak na makatutulong sa inyo," lahad pa ng provincial governor.

Ipinaliwanag namani Cortazar na ang mga bangkang ipinamahagi ay naging posible sa pakikipagtulungan ni House Speaker Lord Allan Jay Velasco kung saan ito ay nagmula sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood program at pinondohan ng P6 milyon. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch