No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga apektado ng road project sa Boac, tumanggap ng tulong pinansyal

BOAC, Marinduque (PIA) -- Tumanggap ng tulong pinansyal ang 25 residente ng Barangay Tugos mula sa lokal na pamahalaan ng Boac, kamakailan.

Mismong si Mayor Armi Carrion ang nag-abot ng tseke sa mga mamamayang maaapektuhan ng napipintong 'road project' sa naturang barangay.

"Kasama ang ating Municipal Treasurer Head na si Robert Gayutin at ng ating Muncipal Assessor Head na si Ricardo Nieva, naipagkaloob na sa wakas ang mga tseke para sa mga residente ng Barangay Tugos na maaapektuhan ng proyekto ng ating munisipyo," ani Carrion.

Dagdag ng alkalde, ang nasabing tseke ay may halagang angkop sa mga pag-aari ng mga residente na maaapektuhan ng proyekto.

Nagpasalamat naman ang punongbayan sa patuloy na pakikiisa ng mga mamamayan, "Salamat po sa inyong suporta at pag-unawa sa ating adhikain na mabigyan ng mas maginhawang buhay ang ating mga kababayan. Kaisa ninyo ang inyong lingkod sa pangarap na mas maunlad at maginhawang bayan ng Boac."

Sa pakikipagtulungan sa Philippine Rural Development Project ay naisakatuparan ang pamamahagi ng pinansyal na ayuda. (RAMJR/GASL/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch