No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

10 magsasaka sa Boac tumanggap ng jetmatic, abono

BOAC, Marinduque (PIA) -- Tumanggap ng intervention package mula sa Pamahalaang Bayan ng Boac ang 10 magsasaka sa Barangay Tabi, kamakailan.

Ayon kay Mayor Armi Carrion, ang nasabing intervention package ay nakapaloob sa programang ‘Integrated Vegetable Production’ ng munisipyo na may layuning tulungan ang mga magsasaka para paigtingin ang produksyon sa agrikultura.

"Mithiin ko po na mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa ating bayan kaya tuluy-tuloy ang pag-iisip natin ng plano at paraan upang matulungan ang ating masisipag na mga magsasaka," pahayag ng alkalde.

Ang mga kagamitang pansaka na kabilang sa intervention package ay isang jetmatic, pataba, abono, rain shelter, balde at hose kung saan ay nagkakahalaga ang mga ito ng humigit P20,000.

Pamamahagi ng intervention package sa mga benepisyaryo ng Integrated Vegetable Production Program sa bayan ng Boac. (Larawan mula sa Boac LGU)

Samantala, dumalo rin sa pamamahagi sina Konsehal Mark Angelo Jinang, Municipal Agriculture Officer Eden Jasmin at Agricultural Technologists Jafs Nabos. (RAMJR/GASL/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch