No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kiddie Junior Fire Marshal Youth Camp, isinagawa sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque (PIA) -- Muling isinagawa ang Kiddie Junior Fire Marshal Youth Camp sa Mogpog Central School na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ika-apat hanggang ika-anim na baitang kung saan ay umabot sa 45 ang nakilahok.

"Nadagdagan na naman ang bilang ng ating mga Kiddie Junior Fire Marshal (KJFM) na tatayong mga Little Fire Safety Ambassadors sa kanilang mga tahanan at paaralan," pahayag ni Fire Officer II Abemar Linga, chief ng Public Information Service (PIS)-Bureau of Fire Protection (BFP)-Marinduque.

Ang naturang youth camp ay dinaluhan ni Mayor Augusto Leo Livelo kasama ang mga opisyales ng Department of Education (DepEd)-Mogpog upang masaksihan ang isinagawang programa ng mga bumberong Marinduqueño ngayong taon, matapos matigil dulot ng pandemya.

Umabot sa 45 ang mga mag-aaral mula sa bayan ng Mogpog ang nakilahok sa Kiddie Junior Fire Marshal Youth Camp. (Larawan mula sa BFP-Marinduque)

Tampok sa nasabing programa ang patungkol sa 'Basic Fire Fighting', kahalagahan sa pag-iingat sa sunog, pagpapakilala sa mga kagamitan ng mga bumbero at marami pang iba.

"Malaking bagay na maipakita at maituro natin sa ating mga kabataan ang kahalagahan ng pag-iingat sa mapaminsalang sunog para sa ganitong paraan ay mailigtas natin sila sa kapahamakan," dagdag ng hepe ng PIS-BFP Marinduque. (RAMJR/GASL/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch