No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

30 magsasaka sa Boac, sumailalim sa organic rootcrops training

BOAC, Marinduque (PIA) -- Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay sa produksyon ng organikong mga halamang-ugat ang 30 miyembro ng Bantay Bukluran Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) at Farmers Association mula sa Barangay Bantay, Boac, Marinduque.

Si Alvin Rivadeniera, Agriculturist II ng Marinduque Provincial Agriculture Office ang nagsilbing resource speaker sa naturang gawain kung saan ay kanyang ipinakilala sa mga dumalo ang iba't ibang uri at katangian ng mga organikong rootcrop.

Tinalakay rin ni Rivadeniera ang mga wastong gawi o kasanayan sa produksyon ng mga halamang-ugat at tamang pagtatanim gayundin ang mga pamamamaraang dapat isagawa sa pagpigil o pagkontrol sa mga pesteng maaaring makasira sa mga pananim.

Sa pamamagitan ng Technology Training on Organic Rootcrops Production, hangad ng Department of Agriculture (DA)-Marinduque at Provincial Agriculture Office na maturuan ang mga magsasaka sa paggamit ng tamang teknolohiya lalo na sa pagpoprodyus ng mga halamang-ugat. (RAMJR/APGH/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch