No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtatayo ng proyektong pabahay sa Sta. Cruz, pinag-aaralan

SANTA CRUZ, Marinduque (PIA) -- Umusbong ang posibilidad na mabigyan ng proyektong pabahay ang bayan ng Santa Cruz matapos personal na makipag-ugnayan si Mayor Marissa Red-Martinez sa mga opisyal ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD).

Ang nasabing housing project na planong itayo sa Barangay Buyabod ay isang low-rise type building kung saan ang mga pamilyang nagnanais na magkaroon ng sariling tahanan ay maaaring magbayad sa pamamagitan ng subsidiya ng DHSUD na naglalayong maibsan ang suliranin ng kakulangan sa pabahay.

Prayoridad ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan mula sa Santa Cruz na kasalukuyan at bagong miyembro ng Pag-Ibig Fund habang mabibigyan din ng oportunidad na makakuha ng bahay ang mga residente mula sa ibang bayan.

Patuloy namang isinasaayos ang mga detalye at kasunduan sa pagitan ng Santa Cruz LGU at DHSUD kung saan ay inaasahang magkakaroon ng malinaw na patakaran, proseso at suporta ang proyektong pabahay para maisakatuparan ang konstruksyon ng mga tahanan. (RAMJR/AMKDA/PIA MIMAROPA - Marinduque)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch