No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higit 280 naging benepisyaryo ng feeding activity ng Aparri PNP

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - -  Hindi bababa sa 280 bata at residente ang nahandugan ng feeding activity ng Aparri Municipal Police Station sa barangay Macanaya nitong ika-18 ng Hunyo.

Magkatuwang ang kapulisan ng Aparri PS at Samahang Ilocano sa pagsasagawa ng isang feeding activity sa naturang bayan kamakailan. (Litrato ng Aparri PS)

Ayon kay Police Captain Tristan John Zambale, ang hepe ng naturang istasyon, naging katuwang nila ang mga tauhan ng PNP Maritime Group, police trainees at mga aktibong miyembro ng Advocacy Group na Samahang Ilocano.

Aniya, labis ang kasiyahan at pasasalamat ng mga residente sa kapulisan sa pagbibigay ng kalinga at malasakit sa kanilang barangay at pagbibigay ng libreng pagkain.

Dagdag nito na ang mga aktibidad na kanilang isinasagawa ay hindi lamang upang makapagbigay ng tulong ngunit mas layunin nito na mapagtibay ang ugnayan ng PNP sa mga mamamayan na kanilang nasasakupan.

“Isa rin itong paraan para mas maipakita sa mamamayan na kaisa nila ang pulis at sa anumang oras ay maaasahan nila kami,” sinabi pa ni Zambale. (MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch